Well, after one whole week of being on sick leave last week, today I went back to work! Yay!
Medyo challenge nga lang for me ang byahe ano. Though maikli lang ang travel time ko the “buwis buhay” part is when I ride the bus, yung pagbaba, yung pag-akyat and pagbaba ng foot bridge—as in sobra akong napagod tapos ang dami pang tao na kasabay tapos umuulan pa! Nanibago ang katawan ko syempre kasi one week akong parang hospital mode. Hehe. Good thing medyo relaxing naman yung last part ng pagpunta ko sa opisina: the not-so-short-but-not-so-long-walk along Kalayaan avenue.
I was catching my breath and feeling super tired when I got to our production floor. It took a couple of minutes before ako nakatayo uli to get water and coffee…
Bukod sa byahe isa sa mga pinaghandaan ko—
minind-set ko ang sarili ko dito—everyone was asking what happened to me and so I was making kwento everytime I encounter someone asking. Whew! Nakakapagod magkwento ng paulit-ulit! Ahahaha! Pero ayun nga, hinanda ko naman ang sarili ko dun… and I’m sure for the whole week ito, habang may gauze pa ako sa may right eye ko.
I thank God for sustaining me today. I felt dizzy at some point and got scared na baka may something na naman na hindi pa dapat ako pumasok, pero tinulog ko lang nung lunch break ko and I felt better after. Whew!
I also thank God for those people who got really concerned after they saw me and heard from me what happened. Isa lang ito, chat with one of my friend:
Friend:
Girl
i heard
Me:
hi
Friend:
how are you?
Me:
hehe
ok naman na
i mean much better
thanks!
Friend:
haist
Me:
may gauze nga lang ako kaya mejo eye catching pa
hehehehe
Friend:
now ko lang nabalitaan
Me:
pero pagaling na yung cut ko
Friend:
stitches?
Me:
sabi ng doc ko kahapon 50% healed na sya
Friend:
wag naman sana
Me:
nope, di ako nagpatahi
Friend:
whew
Me:
good thing di naman kinailangan
kasi takot ako!
Friend:
mababawasan ang ganda points mo
Me:
hahahahahaha
check!
Friend:
hehehe
im just happy you are ok
Me:
sabi rin ni doc kahapon buti daw di ko pinatahi kasi baka daw mas lumaki pa yung sugat
awww
thanks! appreciate it
Friend:
uu girl.. sa ganda mong yan tapos may tahi ka
Me:
sabi nga ni misis mo: infairness maganda pa rin
ahahahahaha
rofl
Friend:
hehehe
Me:
apir!
Friend:
waaah
hehehe
see you around
get well girl
Me:
yup! :)
And now I’m about to go home. I’m pretty sure challenge at “buwis buhay” na naman ang byahe ko... Pero keri lang, alam ko naman na di ako papabayaan ni God. Atsaka, maraming nananalangin for me, especially my beloved na pagising pa lang siguro ngayon. Hehehe.
Ayun lang! Bow!
Kaw, kamusta ang Tuesday mo?