Wednesday, August 5, 2009

Her Death: An Eye Opener


"Ngayon ganap ang hirap sa mundo
Unawa ang kailangan ng tao
Ang pagmamahal sa kapwa'y ilaan
Isa lang ang ugat na ating pinagmulan
Tayong lahat ay magkakalahi
Sa unos at agos ay huwag padadala

Panahon na (may pag-asa kang matatanaw)
Ng pagkakaisa (bagong umaga, bagong araw)
Kahit ito (sa atin Siya'y nagmamahal)
Ay hirap at dusa
Magkaisa (may pag-asa kang matatanaw)
At magsama (bagong umaga, bagong araw)
Kapit-kamay (sa atin Siya'y nagmamahal)
Sa bagong pag-asa

Ngayon may pag-asang natatanaw
May bagong araw, bagong umaga
Pagmamahal ng Diyos, isipin mo tuwina

Magkaisa (may pag-asa kang matatanaw)
At magsama (bagong umaga, bagong araw)
Kapit-kamay (sa atin Siya'y nagmamahal)
Sa bagong pag-asa"


Nailibing na si Tita Cory...

I just want to say-- her death indeed has been an eye opener and a wake up call for me... And probably sa lahat, I just don't know kung sa anong paraan yung sa iba pero para sa akin binuhay ng pagkamatay ni Tita Cory yung pagka-Pilipino ko na pilit binubura ng kultura na nasa harapan ko -partikular sa pinagtatrabahuhan ko (please note though that I have nothing against my employer and I'm proud to be a part this company, ibang issue naman ito). Simula nang magtrabaho ako sa call center, na pang-gabi ang schedule, para bang nawalan na ako ng paki-alam sa nangyayari sa bansa, yes I find myself praying for my country sometimes pero iba ang "binuhay" sa akin ni Tita Cory-- yung spirit of nationalism.

I realized na para akong bini-brainwash ng "culture" na kinalalagyan ko when I had my first day of training at work; na ang nakapresent sa amin ay kultura ng Amerika-- how they live, their history, what the people are like sa iba-ibang part ng States, and all that... And it seems nagkaroon ng Americanized effect sa akin yon.

At nahihiya akong aminin ang mga bagay na ito... Sobrang nakakahiya bilang isang Pilipino na Kristyano na naging wapakels ako nitong mga nakalipas na ilang taon... Nakakalungkot ang pangyayari, na kailangan pang may mamatay bago ako (tayo) matauhan but I believe it is never too late... And so I really thank God for this wake up call.

So I will make it a point to be more involved; in a sense that I would spend time reading and listening to the news and what's going on around me/us and most importantly pray for my country... The Lord remains in control and faithful!

"... If my people, who are called by my name, will humble themselves and pray and seek my face and turn from their wicked ways, then will I hear from heaven and will forgive their sin and will heal their land." -2 Chronicles 7:14

No comments: