Wednesday, June 30, 2010

samting 2 tink abawt




Kagaya ng twineet ko kanina...



May halong tuwa, takot, excitement sa puso ko ngayon... Nagba-bye na tayo kay p.GMA at eto na si p.NOY. What's next na? Anong nga ba ang magagawa natin para maka-contribute sa pagbabago?

May naiisip ka na ba? Kung wala pa, allow me to share this song by Noel Cabangon:

Ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang Bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkunin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Tumatawid ako sa tamang tawiran
Sumasakay ako sa tamang sakayan
Pumipila at hindi nakikipag-unahan
At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan.

Bumababa at nagsasakay ako sa tamang sakayan
‘di nakahambalang parang walang pakiaalam.
Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa kalsada
Humihinto ako kapag ang ilaw ay pula.

‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

‘Di ako nagongotong o nagbibigay ng lagay
Ticket lamang ang tinatangap kung binigigay
At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno.

‘Di ako nagkakalat nga basura sa lansangan.
‘di bumubuga nga usok ang aking sasakyan
Inaayos kong mga kalat sa basurahan
Inaalagan ko ang aking kapaligiran

‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang
Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan
‘di ako gumagamit nga bawal na gamut.
O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y di pumapasok.

Pingtatangol ko ang aking karangalan
‘pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan
‘di ko binabenta ang aking kinabukasan
Ang boto ko’y aking pinahahalagahan.

‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Inutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Ako isang tapat at totoong lingkod ng bayan
Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan
Tapat ang serbisyo ko sa mamamayaan
Di ko binubulsa ang pera ng Bayan

Pigantatangol ko ang mamamayang Pilipino
Mga karapatan nila’y kinikilala ko
Ginagalang ko ang aking kapwa tao
Pinaglalaban Kong Dangal ng bayan ko.

’Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin.

Ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
Pagkat ako’y ilang mabuting Pilipino

Panatang makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako’y tkanyang kinukopkop
At tinutulungan upang maging malakas
Maligaya, at kapakipakinabang
Bilang ganti diringin ko
Ang payo ng aking mga magulang
Sunsundin ko ang mga tungkulin ang aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin
Ng isang mamamayng makabayan
Paglilingkuran ko ang aking bayan
Ang walang pagiimbot at buong katapan
Sisikapin ko maging isang tunay na Pilipino
Sa isip sa salita at sa gawa.


First heard this in LJ's radio program in DZAS and naging favorite ko na since then, tamang pang-check din kung nagagawa ko ba yung mga applicable sa akin na inenumerate ng singer...

And to add, a good read and related article by a friend Mariah Gadapan:

"...but what is our most important role in this new government?"

Bukod sa sinabi nang song, I like and agree with what Mariah shared in her blog.

Mabuhay ang sambayanang Pilipino! God bless the Philippines!

1 comment:

Mariah Gadapan said...

thanks, rajsh for linking here what i wrote on my blog. God bless you more in everything!