Thursday, May 28, 2009

Haaayyy, tama na...

Ilang araw ko nang pinag-iisipan kung magpo-post ba ako tungkol dito, so sige...

I have not seen the video and I do not have any intention to do so. Kahit na magkabi-kabila ang usapan na animo'y lahat na ata ng tao sa paligid ko (particularly sa office) ay nakapanood na, hindi ko papatulan ang *tukso (*tukso talaga kasi somehow the enemy is feeding curiosity on my mind).

I agree with Katrina sa sinabi nyang "Araw-araw biktima ako habang pinapanood ang nasabing video." At nakakalungkot na hndi iyon naiisip ng mga tao.

Click here to read the article.

Even the other video nung commercial model! I hear people say "kawawa naman si Maricar" pero paulit-ulit nilang pinapanood at pinagpapasa-pasahan (sa pamamagitan ng bluetooth) ang video. Nakakalungkot. Nakakalungkot talaga...

Hindi po ako maka-Katrina or some thing to that effect, pero I am praying it will end na, bukod sa nakakasawa na na iyon at iyon na lang ang laman ng "news" mapa-tv, radyo at dyaryo, nakaka-panghina bilang isang babae! Ang paki-ramdam ko object lang ako, ang pakiramdam ko napaka-cheap ng sex at ang dumi...

Haaayyy... So please, tama na po!

(You can also check other article na related sa issue/scandal na ito, by KuyaKevin and Kulitkukote).

No comments: